-- Advertisements --
Humakot ng awards ang superstar singer na si Taylor Swift sa katatapos na American Music Awards.
Mayroong kabuuang naim na award itong nakuha kabilang na ang artist of the year, favorite pop album, country album at video para sa re-recording ng 2012 record.
Tinalo nito sa artist of the year sina Beyonce, Harry Styles, The Weeknd, Drake, Adele at Bad Bunny.
Nakapagtala rin ito ng record na mayroong kabuuang 40 awards na nakamit sa American Music Awards.
Pinasalamatan ng 32-anyos na singer ang fans dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kaniyang mga musika.