-- Advertisements --

Ginawaran ng honorary doctorate si singer-songwriter Taylor Swift mula sa New York University.

Sa talumpati ng 32-anyos na singer, hinikayat nito ang mga mag-aaral na harapin lamang ang hamon sa buhay.

Naka-suot ito ng toga at tinanggap ang parangal sa Yankee Stadium.

Pinuri nito ang mga graduates dahil sa pagharap sa hamon na dumalo sa kolehiyo lalo ngayong panahon ng pandemiya.

Ito ang unang college degree para kay Swift na mula pa noong high school ay nakatuon na ang buhay sa pagsasagawa ng concerts.