BAGUIO CITY – Pinatunayan ng isang taxi driver na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay para magpakita ng katapatan ang isang tao.
Isinauli ni Bong Balisong, isang taxi driver sa Baguio City, ang naiwang P60,000 sa kanyang taxi.
Ang pera ay pagmamay-ari ni Retired Pol. Master sergeant Mark Madarang.
Sa panayam ng Bombo Radyo-Baguio kay Balisong, sinabi niyang napansin niya ang naiwang pera sa passenger seat kaya’t nag-post ito sa social media.
Nang nakipag-ugnayan sa kanya si Madarang at napagkasunduan na magkita sa himpilan ng Bombo Radyo.
Ayon kay Madarang, mas pinili nilang magtagpo dito sa Bombo Radyo para maihayag sa mga listeners ang katapatang ipinakita ni Balisong.
Sinabi naman ni Balisong na hindi niya pinag-interesan ang pera dahil alam niyang kailangan ito ng may-ari.
Hindi rin aniya maaatim ng kanyang konsensiya na pakainin ang kanyang pamilya mula sa perang hindi naman niya pinaghirapan.
Labis ang pasasalamat ni Balisong kay Quiapo sa katapatan nito.