-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang tax provisions ng panukalang naglalayong payagan ang mga local government units na direktang makabili ng COVID-19 vaccines mula mismo sa mga manufacturers na hindi na kailangan pang dumaan sa public bidding.

Sa Section 6 ng House Bill 8648, na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco, nakasaad ang exemption sa import duties, taxes at iba pang fees para sa pagbili, pamamahagi at pagtuturok ng bakuna ng mga lokal na pamahalaan.

Layon ng panukalang ito na pahintulutan ang mga LGUs na makibahagi sa advance payment mechanism para sa pagbili ng COVID-19 vaccines mula sa mga foreign manufacturers.

Pinapayagan din nito ang mga probinsya, lungsod at munisipalidad na makapagbayad ng advance ng hindi lalagpas sa 50 percent ng kabuuang halaga ng kontrata para sa pagbili ng COVID-19 vaccines, maliban na lamang kung may ibang direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte.