-- Advertisements --

Pasado na rin sa komite sa Kamara ang probisyon ng House Bill 168 na maglilibre sa buwis sa pagpapatayo ng ospital para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa inaprubahan ng House Committee on Ways and Means, magiging “exempted” na sa buwis ang lahat ng grants, donasyon at kontribusyon, na makakalap mula sa sinumang indibidwal o kompanya para maitayo ang OFW hospital.

Kasama rin ang value-added tax at customs duties para sa importation ng mga medical equipment at machineries, spare parts at iba pa na gagamitin sa operasyon ng pagamutan ay gagawin na rin libre.

Una rito, inaprubahan na rin ng Kamara ang House Bill 169 na lumilikha naman sa OFW hospital.