Jayson Tatum nakapagtala ng season high 49 points para sa Celtics; Prince William at Princess Kate duamalo sa laban ng Boston Celtics at Miami Heat
Nangunguna pa rin sa Eastern Conference rankings ng National Basketball Association ang Boston Celtics matapos nitong ilampaso ang Miami Heat sa score na 134-121.
Dumalo naman sa nasabing laro ng dalawang koponan si Prince William at Princess of Wales na si Kate Middleton sa Boston’s TD Garden.
Matatandaan na bumisita ang royal couple sa Boston para sa Earthshot Prize, isang pretihiyosong kompetisyon na naglalayong labanan ang climate change.
Ito rin ang unang pagbisita sa United States sa loob ng walong taon.
Ngunit sa kabila nito ay nanatili ang mga mata ng mga manonood sa reigning basketball prince na si Jayson Tatum.
Umiskor si Tatum ng season high 49 points at 11 rebounds at nagpaulan eight three pointers na naging dahilan upang malumpo ang koponan ng Heat.
Samantala, nasayang ang ambag na puntos ng 22 year old point guard player na si Tyler Herro na umiskor sana ng 22 points, 6 rebounds at 9 assist ngunit sawi pa rin ang Heat na ipanalo ang nasabing laban.
Tuluyan na ngang naitala ng Miami Heat ika 12 na talo ngayong season.










