-- Advertisements --
odisha train pti 1224292 1685777241 1224678 1685871386

Matapos ang mahaba-habang imbestigasyon, natunton na ng mga otoridad ang responsable sa naganap na triple-train collision sa India na nagbunsod sa pagkamatay ng halos 300 katao nitong nakalipas na buwan.

Ayon sa Central Bureau of Investigation ng India, tatlong katao ang kanilang inaresto na silang pangunahing dahilan sa nasabing banggaan.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng dalawang signal engineers at isang technician na nagtatrabaho sa ilalim ng Indian Railways.

Sa kasalukuyan, nasampahan na rin ang tatlo ng culpable homicide, at destruction of evidence.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naglalabas ang Central Bureau of Investigation ng karagdagan pang mga detalye, ukol sa pagkakakilanlan ng tatlo, at kung may mga karagdagan pang makakasuhan bunsod ng nangyaring banggaan.

Magugunitang nangyari ang train collision sa Silangang bahagi ng Odisha State kung saan binangga ng isang passenger train na lulan ng mahigit 2,000 katao ang isa pang train na may lamang iron ore.

Sa lakas ng impact, tuluyang tumilapon ang mga train compartment sa isa pang train na mabilis na dumadaan sa ibang train route.

Ang nasabing banggaan ay tinaguriang pinakamalagim sa kasaysayan ng India.