CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng tulong ang mga pamilyang sinalanta ng ng lindol sa Barangay Buhay, Makilala, North Cotabao kasabay ng ikalawang-yugto ng Task Force Rehabilitation ng provincial government.
Umaabot sa 272 na mga pamilya sa brgy Buhay ang natulungan katuwang ang provincial government, ibat-ibang ahensya ng gobyerno at ang Mindanao Humanitarian Team.
Kabilang naman sa Mindanao Humanitarian Team ang mga non-government organizations o NGO gaya ng UNICEF, World Vision, Action Against Hunger, UNHCR at iba pa.
Nakatanggap ang mga biktima ng lindol sa brgy Buhay ng tig 1,746 Marine plywood at Sheets, mga pako, mga kahoy at food packs.
Habang nasa 30 mga kambing, limang baka, 1,500 mga cacao, coffee at rubber planting materials ang ibinigay sa mga residente sa pamamagitan ng raffle draw.
Nagbigay naman ang Mindanao Humanitarian Team (MHT) ng food packs mula sa World Vision at 30 kilong bigas para 272 mga pamilya habang karagdagang tulong din ang naibigay ng iba pang mga non-government organizations.
Habang kaagapay rin ang mga government line agencies gaya ng DSWD, TESDA, DENR, DTI, DOH at iba pa sa pagbibigay ng iba pang mga basic social services.
Sinabi naman ni Regional Disaster Risk Reduction Head at DSWD Regional Director Jacquia Lao, makakatanggap ng 30-thousand pesos ang mga pamilyang totally damage ang pamamahay habang 10 thousand pesos naman ang partially damage, maliban pa sa karagdagang cash for work.
Nagpasalamat ang mga residente ng Brgy Buhay sa natanggap nilang tulong mula sa provincial government at mga partner agencies.
Sinabi ni Task Force Rehabilitation Spokesperson Vergel Anima, ang Task Force Rehabilitation ay siyang tututok sa pagbangon ng probinsya matapos ang matinding pinsala sa sunod-sunod na lindol sa probinsya.