Magpupulong na bukas ang Task Force Philhealth na binuo ng Department of Justice (DoJ) kasama ang ilang resource person dahil pa rin sa sa umano’y katiwalaian sa ahensiya.
Ang naturang mga resource persons ang magbibigay linaw sa anomalya sa Philhealth.
Haharap din sa pakikipagpulong ang team ng DoJ sa iba pang miyembro ng binuong Task Force Philhealth para plantsahin ang malalimang imbestigasyon sa umano’y talamak na kurapsyon sa Philhealth.
Layon anya nitong matukoy kung ano ang mga dapat nilang bigyang prayoridad sa isinasagawag imbestigasyon.
At dahil umiiral parin ang modified enhanced communit quarantine (MECQ), magiging hybrid ang pagpupulong ng mga miyembro ng task force.
May mga miyembro na personal na pupunta sa DoJ habang ang iba ay dadalo na lang muna sa pagpupulong sa pamamagitan ng video conferencing.
Noong Lunes, una nang inilatag ng team ng DOJ ang ilang operational strategy na gagamitin nito sa kanilang imbestigasyon.
Umaasa din si Sec. Guevarra na kusa na lang liliban sa trabaho ang mga opisyal ng Philhealth na nakakaladkad ang pangalan sa umano’y katiwalian sa ahensiya.
Ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga imbestigador at auditors ng task force na malayang gampanan ang kanilang trabaho at matapos ang imbestigasyon.










