-- Advertisements --

Itinatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang nasabing COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure ay pangangasiwaan ng National Task Force Against COVID-19 kung saan Department of Health (DOH) ang magsisilbing lead agency.

Ayon kay Sec. Roque, naatasan ang DOH na agad i-convene ang Task Group COVID-19 Immunization Management at magtatag ng sub-task groups kung kailangan.

Ang paglikha ng nasabing task force ay layuning matiyak ang matagumpay at efficient na pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa target population.

Samantala, inaprubahan na rin ng IATF ang pagbabalik ng face-to-face clinical internship program sa University of the Philippines – College of Medicine.

Isasagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang nasabing face-to-face program.