
kumpiyansa si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla na feasible pa rin o kayang maabot ang target na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas para sa 2023.
Ito ay kasabay na rin ng inaasahnag pagtaas ng demand at recovery ng sektor ng turismo mula sa pandemiya bilang driving factor ng paglago ng ekonomiya.
Target kasi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na lumago pa ang ekonomiya ng 6.5 hanggang 8% na siya ring assumption hanggang sa taong 2028.
Mas mataas ng bahagya ito mula sa tinatayang paglago ng ekonomiya para ngayong taong 2022 na 6.5 hanggang 7.5%.
Batay naman sa forecast ng mga ekonomista at multilaterals sa domestic growth, tinatayang aabot ito sa 5 hanggang 6.3% sa susunod na taon.
Tinukoy ni Medalla na hahatak sa ekoomiya ng bansa patungo sa recovery ang posibleng paglobo ng international tourism na siyang major growth contributors para sa ekonomiya ng bansa.
Liban pa dito, sinabi din ng BSP Governor na ang business process outsourcing (BPO) sector ay isa sa mga sources ng structural dollar inflows para sa bansa.










