-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Tanzanian President Samia Suluhu Hassan nitong Huwebes (araw sa Pilipinas) na ang lahat ng opisyal ng gobyerno ay babiyahe na lamang sa i-isang bus nang kanilang official travel upang mabawasan ang konsumo ng gasolina, kasunod ng kakulangan ng suplay sanhi ng digmaan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa energy regulator ng bansa, tumaas ang presyo ng gasolina ng halos 1/3 mula noong buwan ng Marso.

Nabatid na karaniwan, ang entourage ng pangulo ay binubuo ng higit sa 30 sasakyan, kabilang ang mga luxury SUV at police outriders, na madalas nagdudulot ng matinding trapiko.

“From now on, wherever I go, all officials will travel together in one bus… to cut fuel consumption,” ani Hassan.

Magugunitang ang kakulangan sa langis ay dulot ng pagsasara ng Strait of Hormuz ng Iran, kung saan dumadaan ang 20% ng langis at gas sa buong mundo.

Bunsod nito, ilang bansa, kabilang ang Ethiopia, ay nagpatupad narin ng priyoridad sa pagbibigay ng gasolina sa mga sasakyang nagdadala ng mahahalagang kalakal at pampublikong transportasyon.