-- Advertisements --
395087280 669364058637211 8523632303717995157 n

Nasunog ang isang Motor Tanker Sea Horse bandang 9AM ngayong araw, linggo, 22 Oktubre 2023 sa Alpha Anchorage Area, Batangas.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Batangas mula sa Vessel Traffic Management System-Batangas na nagkaroon ng sunog sa dagat sa Batangas Anchorage Area.

Agad naman na nakipag-ugnayan ang CGS Batangas sa Bureau of Fire Protection at Provincial Disaster Risk Reduction Managament Office para humingi ng tulong sa pagsasagawa ng firefighting sa nasabing insidente.

Gayundin, naglunsad ng search and rescue operation ang PCG sa Batangas para magbigay ng kinakailangang tulong.

Samantala, agad naman na tumulong sa na-stranded na barko ang tatlong tugboat- Motor Tug Great Lark, Motor Tug Sedar 7, at Motor Tug Sedar 8—na malapit sa pinangyarihan ng kaganapan.

Bandang 11:08AM, nang idineklarang fire out ang distressed vessel.

Nagsasagawa na ngayon ng pagsusuri at karagdagang imbestigasyon sa Coast Guard Sub Station Batangas City.

May isang naitalang nasawi, at patuloy pa rin ang imbestigasyon para matukoy ang bangkay.

Nakipag-ugnayan ang Marine Environmental Protection Group Batangas sa Petron Company para sa standby oil spill boom bilang paghahanda sa posibleng pagtugon sa oil spill.