-- Advertisements --
Napigilan ng Ukrainian security service (SBU) ang tangkang assasination ng Russia kay President Volodymyr Zelensky at ilang high-ranking opisyal ng Ukraine.
Ayon sa SBU na dalawang Ukrainian government protection unit ang naaresto.
Ang mga naaresto umano ay bahagi ng network ng mga agents ng Russian state security service (FSB).
Naghahanap umano ang mga ito ng nais kumitil sa kay Zelensky.
Ilan umano sa mga targets ay kinabibilangan ng military intelligence head na si Kyrylo Budanov at SBU chief Vasyl Malyuk.
Sinabi ni SBU head Vasyl Malyuk na ang atake umano ay bilang regalo kay Russian President Vladimir Putin sa panunumpa niya sa ikalimang termino bilang pangulo.