-- Advertisements --

Imposibleng mapabagsak ng mga kalaban ng gobyerno ang Duterte administration.

Ito ang kumpiyansang inihayag ng Philippine National Police (PNP) spokesperson C/Supt. Benigno Durana.

Aniya, malabong malabo na mangyari na mapatalsik sa pwesto ang Pangulo kahit pa may nilulutong plano na tinaguriang “Red October” plot.

Ayon kay Durana, mananatiling panaginip lang para sa mga grupong nais magpabagsak sa Duterte administration ang kanilang planong destabilisasyon.

Sinabi pa ni Durana karamihan sa mga Pilipino ay hindi sumusuporta sa mga grupong nais magpabagsak kay Pangulong Duterte.

Inihayag pa ng opisyal na hindi nila basta-basta mapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.

Una nang sinabi ng ilang mambabatas na popolar pa ang Presidente kaya hindi magtatagumpay ang anumang tangkang destabilisasyon.