Kinumpirma ng Malakanyang na nakatakdang buwagin ang Office of the Special Adviser for Economic and Investment Affairs (OSAPEIA) ang dating pinamumunuan ni Secretary Frederick Go na ngayon ay nagsisilbi nang kalihim ng Department of Finance.
Ayon kay Palace press officer USec. Claire Castro na hinihintay na lamang na mailabas ang papel o dokumento hinggil sa paglusaw sa nasabing tanggapan,
Kumpiyansa naman ang palasyo na hindi maapektuhan ang mga tina trabahong trade agreements ng pamahalaan dahil, ang DTI naman aniya ang humahawak ng technical at substantial role sa trade agreements.
Si Secretary Go naman aniya ay siya ring uupo sa DOF kaya magtutulungan na lamang ang dti at dof para sa pakikipag negosasyon sa mga usapin at kooperasyong pangkalakalan sa ibat ibang bansa.










