Limang (5) pulis na kasapi ng Provincial Mobile Force Company ng Shariff Aguak ang kinumpirmang nasawi batay narin sa impormasyong ibinahagi ni PNP-BARMM spokesperson Capt. Steffi Salanguit.
Nangyari ang ambush sa bahagi ng Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur pasado alas 9:00 ngayong gabi.
Ang mga biktima ay mga kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur PNP.
Batay sa ulat, sakay ang mga ito sa PNP Mobile car na may body number 767, nang tambangan ng mga suspek habang pabalik ang mga ito sa Camp Datu Akilan, Maguindanao Del Sur Police Provincial office galing sa pagpapatrolya sa Shariff Aguak town proper.
Napag-alaman na walong (8) mga pulis ang sakay ng nasabing patrol mobile, lima sa mga ito ang nasawi kabilang sina Pat Kenneth Perocho, Pat Al-Fatah Marohom, Pat Amil Bangsa, Pat Arsenal Sivih, Pat Sayed Ridwan habang nakaligtas naman sina PLT Alfred Gregory, PSSg Adam Kamarudin Kansi, at Pat Abubakar Lauban na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.










