-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kanilang makakamit ang target collection ngayong taon kahit may nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon sa BIR na sa unang dalawang buwan pa lamang ng taong 2026 ay umabot na sa mahigit P530.05 bilyon ng kanilang nakulektang kita.

Mas mataas ito sa kanilang target na P2.2-B na net of tax refunds.

Ipinamagmalaki rin ng BIR na mas mataas din ang nasabing nakulekta sa unang dalawang buwan ng taon kumpara parehas na buwan noong 2025.

Nakamit nila ito dahil sa suporta mula sa national development habang pinoprotektahan ang karapatan ng mga taxpayers.

Magugunitang hindi na siningil ng value-added tax (VAT) ng BIR ang mga indigenous natural gas at ilang mga power generation transaction.