-- Advertisements --
montemayor at david
Montemayor and David

Agaw pansin sa huling araw ng Pilipinas Forum 2022 ang tambalang Dr. Jose Montemayor Jr. at Rizalito David.

Sa halip kasing i-indorso ni David ang kasamahang kandidato na si Montemayor, ibang presidential bet ang kaniyang sinuportahan.

Partikular na tinukoy nito si Vice President Leni Robredo.

“Pasintabi na po sa aking kasamahan na si Dr. Montemayor, pero si Vice President Leni Robredo ang nakikita kong kayang tumalo kay Bongbong Marcos. Kaya siya na lang po ang suportahan,” wika ni David.

Bukod dito, hindi na rin niya ikinampanya ang kaniyang sarili.

Dahil itinulak na lang nito ang kandidatura ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, para sa vice presidential race.

Habang si Montemayor naman ay nagtataka kung bakit si Marcos ang inindorso ng Iglesia ni Cristo (INC), gayong mas malapit daw siya sa naturang grupo, lalo’t nagtuturo siya ng halos isang dekada na sa New Era University ng naturang samahan.

Pero naniniwala naman daw siya na hindi makukuha ni BBM ang lahat ng suporta mula sa nasabing grupo, dahil ang iba ay mapupunta pa rin sa kaniya.

Gugulatin din daw niya ang publiko na siya ang mananalo, dahil sa 25 million na Born Again at mga Protestante ang boboto para sa kaniya.