-- Advertisements --
DESTRUCTION OF ILLEGAL FIRECRACKERS

Sinira ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Regional Director PMGen. Jonnel Estomo ang pagwasak sa halos isang milyong halaga ng mga ipinagbabawal na paputok.

Ang mga ito ay nakumpiska ng iba’t ibang police district sa Metro Manila sa mga nakalipas na araw.

Kabilang sa mga winasak ay piccolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, bosa, goodbye Philippines, Bin Laden.

Kasama rin ang goodbye bading, goodbye COVID, kwiton bomb, kwiton parachute, mother rocket, lolo thunder, Coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb, kabasi at watusi na nadalas na sanhi ng pagkalason sa mga mga batang gumagamit nito.

Muli ring nagbabala si Estomo sa lahat ng police station commander at chief of police na kaniyang paiiralin ang “one strike policy” sa mga pulis na magpapaputok ng kanilang baril sa pagsalubong sa bagong taon.

Gayunman, hindi na sila nagselyo ng mga baril, pero hinimok ang publiko na isumbong sa kanila ang sinumang tauhan ng pulisya na gagamit ng baril bilang pampa-ingay mamayang hatinggabi.