Umani ng batikos mula sa grupo ng mga kababaihan sa buong mundo ang ginawang pagbabawal ng Taliban sa mga kababaihan na bumisita sa sikat na national park.
Sinabi ni Afghanistan’s acting minister of virtue and vice Mohammad Khaled Hanafi na ang mga kababaihan aniya na nagtutungo sa Band-e-Amir national park sa Bamiyan province ay hindi nagsusuot ng kanilang hijab.
Nanawagan ito sa mga religious clerics at security agencies sa lugar na bawalan ang mga kababaihan na papasukin ang mga kababaihan hanggang hindi pa mahanapan ng solusyon.
Ang Band-e-Amir ay kilalang tourist attraction sa lugar na naging unang national park ng Afghanistan noong 2009.
Ayon naman kay Fereshta Abbasi ng Human Rights Watch, na hindi makatarungang pagbawalan ang mga kababaihan na bumisita sa nasabing parke dahil sa hindi ito pantay na pagtrato sa kanila.