Tinawag ng mga Taliban fighters na “historic moment” ang pag-atras ng mga puwersa ng Amerika sa Afghanistan.
Sinabi ng mga ito na nakuha na ng kanilang bansa ang ‘buong kalayaan’ makalipas ang 20 taon mula ng mangyari ang September 11, 2001 attacks sa America.
Bahagi ng kanilang selebrasyon sa pagbubunyi ay ang pagpapaputok ng kanilang mga baril sa himpapawid.
Pag-alis ng tropa ng militar sakay ng malaking C-17 military aircraft mula sa Hamid Karzai International Airport, pinasok ng mga Taliban fighters ang Kabul airport kung saan kanilang sinuri ang iniwan na CH-46 helicopters ng US forces.
Nauna nang kinumpirma ng US State Department na pitong CH-46E Sea Knight helicopters ang kanilang iniwan sa Afghanistan bilang bahagi ng nagpapatuloy na evacuation efforts.
Maliban dito, sinusubukan din ng mga Taliban fighters ang pagpapalipad ng
U.S. Black Hawk helicopter.
Napag-alaman na ang Taliban ay mayroon nang mas maraming Black Hawk helicopers kaysa sa 85% ng mga bansa sa mundo.
Pero may mga impormasyon na sinira na rin ng mga sundalong kano ang naiwang aircraft upang hindi na pakinabangan pa.
Kung maaalala, dakong alas-3:30 kaninang madaling araw oras sa Pilipinas nang huling umalis sa Kabul airport ang huling cargo plane ng Amerika.
Iniulat ni Cental Command commander at Marine Corps Gen. Kenneth McKenzie Jr., na dito na raw nagtatapos ang tinaguring longest war ng Estado Unidos sa Afghanistan nang umalis ang huling C-17 aircraft.