Tinanggihan ng Taliban ang panawagan ng United Nations Security Council’s na tanggalin na ang paghihigpit na ipinapatupad sa mga kababaihan.
Ayon sa Taliban na ang kanilang pagkabahala ay walang basehan.
Ang nasabing reaksyon ay kasunod ng pagpasa ng UN Security Council ng resolution na bumabatikos sa Taliban dahil sa paglimita sa mga kababaihan para makapag-aral, makapagtrabaho sa gobyerno at limitado rin ang kanilang mga galaw.
Ipinatupad ng Taliban ang nasabing
mga paghihigpit mula ng hawakan nila ang pamumuno sa Afghanistan.
Base sa 15 member states ng Security Council na dapat ay tanggalin na ng Taliban ang kanilang ipinapatupad na paghihigpit sa mga kababaihan dahil sa ito ay labag sa kanilang karapatang pantao.
Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan sa Afghanistan matapos na ipag-utos ng Taliban na dapat ay takpan nila ang kanilang mukha kapag nasa pampublikong lugar.