Maaari na muling makapag-travel ang mga Pinoy sa Taiwan ng visa free epektibo ngayong araw, Setyembre 29, 2022 hnaggang July 31, 2023 base sa Bureau of Consular Affairs (BOCA) ng nasabing isla.
Sa ilalim ng naturang scheme, maaaring mag-stay ang mga Pinoy na magtutungo sa Taiwan ng hanggang 14 na araw ng walang visa.
Maliban na lamang sa mga mayroong diplomatic, official/service passports.
Saklaw sa visa-free privilege na ito ang mga aktibidad na hindi nagmamandato na magpresenta ng permits gaya ng pagbisita sa mga kamag-anak o pamilya, pagdalo sa social events, turismo, fact-finding missions at international exchange.
Una rito, isinama ng Taiwan ang mga Pilipino sa kanilang visa-free policy sa loob ng 9-month trial period mula November 2017 hanggang July 2018.
Pinalawig pa ang naturang scheme kada taon subalit naapektuhan dahil na rin sa mga ipinatupad na travel restrictions bunsod ng pandemiya.