-- Advertisements --
cropped taipei taiwan 1

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Taiwan Tourism Board ang posibilidad na palawigin ang 14-day visa-free entry hanggang 2025 para sa mga turistang Pilipino.

Ang nasabing hakbang ay magpapahintulot sa mga turista na manatili sa Taiwan nang walang visa.

Ang Taiwan kasi ay isa sa mga pinaka-binibisitang destinasyon ng mga dayuhang turista, kabilang ang mga Pilipino, kung saan inaasahan ng Taiwan Tourism Board na makatanggap ng humigit-kumulang anim na milyong dayuhang turista, kabilang ang target na 225,000 Pilipinong turista, bago matapos ang 2023.

Ayon kay Emily Huang, Deputy Director ng Taiwan Tourism Bureau, kailangan lang umanong suriin ang posibilidad ng pagpapalawig ng 14-araw na visa-free stay, na kung saan ang pinakamahalagang bagay ay ang tanggapin ang lahat ng mga bisita ng Pilipinas na pumunta sa Taiwan.

Upang higit pang mahikayat ang mga turistang Pilipino na bumisita sa Taiwan, magsasagawa ang Taiwan Tourism Board ng raffle kung saan 5,000 New Taiwan Dollars, katumbas ng halos P9,000.

Una na rito, sinusubukan din ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei, na hikayatin ang mga Taiwanese national na bumisita sa naturang lugar.