Pansamantalang sinuspendi ng Taiwan ang visa-free privilege para sa mga Pilipino ayon sa Bureau of Consular Affairs (BOCA).
Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ang nasabing hakbang ay pansamantala lamang at subject pa para sa pag-review.
Liban sa Pilipinas, pansamantala ding si sinuspendi ang visa free entry para sa Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Republic of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei at Russia.
Ayon kay Taiwan Foreign Ministry spokesperson Jeanette Ou na ang visa waivers para sa mga kwalipikadong Asian states ay kanilang irereview sa susunod nilang diskusyon.
Dagdag pa ng opisyal na may mataas na pagpapahalaga ang Taiwan sa magandang relasyon nito sa Pilipinas.
Sa naunang advisories ng BOCA, sinabi nito na magpapatuloy ang visa waivers para sa US, Canada, Australia, New Zealand at ilan pang mga bansa sa Europe simula sa Lunes, Setyembre 12.
Una rito, pinapayagan ang mga nationals na may visa-exemp entry sa Taiwan na makapaglakbay sa naturang isla at manatili ng hanggang 30 araw kasabay ng pagsisimual ng pagluluwag ng restriksyon sa foreign visitors at mga turista na ipinatupad para ma-contaon ang pagkalat ng COVID-19.