-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang karagatang bahagi ng Taiwan.
Ayon sa US Geological Survey na tumama ito sa silangang bahagi ng isla.
Unang itinaas ng USGS ang magnitude 6.9 hanggang ibaba ito sa 6.7.
Binago rin nila ang lalim ng nasabing pagyanig na mula sa dating 10 kilometers ay ginawa na ito ng 24 kilometers.
Hindi rin nagtala ng anumang danyos ang nasabing pagyanig at hindi na rin nagtaas ang mga otoridad ng tsunami warning.