-- Advertisements --
Isang magnitude 5.4 na lindol ang tumama sa silangang baybayin ng Taiwan nitong Linggo, ayon sa weather bureau ng isla.
Panandaliang yinanig ng lindol ang mga gusali sa kabisera ng Taipei ngunit walang ulat ng pinsala.
Ang epicenter ng lindol ay nasa dagat sa labas ng Hualien county ng Taiwan, na may lalim na 22.4 km (14 milya), ayon sa weather bureau.
Matatagpuan ang Taiwan malapit sa junction ng dalawang tectonic plate at prone ito sa lindol.
Matatandaan na mahigit 100 katao ang nasawi sa lindol sa southern Taiwan noong 2016, habang mahigit 2,000 katao ang nasawi noong 1999 ng 7.3 magnitude na lindol.