-- Advertisements --

Muling inireklamo ng Taiwan ang pagpapalipad ng China ng kanilang mga fighter jets.

Ayon sa defence ministry ng Taiwan, na mayroong 23 Chinese fighter jets at walong Chinese ships naglayag sa kanilang teritoryo.

Sa nasabing bilang ay pito ang tumawid sa median line na Taiwan Strait.

Nauna rito ay ikinagalit din ng China ang ginawang pagtawid ng dalawang warship ng US sa Taiwan Strait.

Depensa naman ng Washington na ang paglayag ng kanilang USS Antietam at USS Chancellorsville ay nagsasagawa lamang ng freedom of navigation gamit ang international waters.