Inaasahang magbubukas ang Taiwan ng humigit-kumulang 180,000 caregiving jobs sa susunod na limang taon na magbibigay oportunidad para sa mga Pilipinong nais magtrabaho abroad.
Bagaman tumataas ang pangangailangan sa mga caregiver, kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong aplikante sa mga nakaraang taon.
Sa kasalukuyan, ang mga caregiver ay itinuturing na household service workers ng Department of Migrant Workers (DMW), kaya ang buwanang sahod ay nasa mahigit P20,000 lamang. Dahil dito, nawawalan ng interes ang ilang mga Pilipino.
Bagama’t bawal maningil ng placement fee ang mga recruitment agency para sa caregiver applicants, nananawagan naman ang Association of Licensed Recruitment Agencies sa DMW na muling suriin ang klasipikasyon ng caregivers bilang semi-skilled workers upang tumaas ang compensation at hikayatin ang mas maraming Pilipino na mag-apply.