-- Advertisements --

Nagkumahog ang airi force sa Taiwan matapos ang pagpasok ng siyam na eroplano ng China sa kanilang air defence zone.

Ayon sa ministry of defence ng Taiwan na mayroong walong Chinese J-16 fighers at isang Y-8 reconnaissance aircraft ang lumipad sa himpapawid na bahagi ng Pratas Islands ng Taiwan.

Mabilis na pinuntahan ng mga Taiwanese fighters at inihanda ang kanilang air defence missiles.

Hindi lamang ito ang unang insidente na may nakitang paglipad ng eroplano ng China sa himpapawid ng Taiwan dahil noong Enero ay aabot sa 39 na eroplano ng China ang nakitang lumipad sa himpapawid ng Taiwan.