-- Advertisements --
Aabot sa 28 mga eroplanong pandigma ng China ang lumipad sa air defence zone ng Taiwan.
Ayon sa defence ministry ng Taiwan na pawang mga fighers at nuclear-capable bombers ang nakitang lumipad sa air defence identification zone nila.
Lumapit ang mga ito sa Pratas Island ganun din sa Southern part ng Taiwan.
Nangyari ang insidente matapos ang pahayag ng North Atlantic Treaty Administration na kanilang tatapatan ang kapasidad ng China.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na tila lumulusob sa karagatang sakop ng Taiwan dahil noong Enero ay mayroong 15 eroplanong pandigma ng China ang pumasok sa air defence zone habang noong Abril 12 ay 25 eroplano naman ng China ang nakita ng Taiwan.









