Isa si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa limang Metro Manila mayors na nakakuha ng may pinaka-mataas na approval ratings mula sa kanilang mga constituents sa mga inisyatibong laban sa COVID-19 pandemic, ayon sa isang non-commissioned tracking survey.
Lumapag sa pang-lima si Cayetano na may 68 percent rating na ibinigay ng mga Taguigeño na nakapanayam sa isang COVID-19 Online Panel Survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia sa pakikipagtulungan ng Kantar mula Mayo 5 hanggang 8.
Ang mga residente ng Taguig ay parte ng 1,000 residente ng Metro Manila na may edad 18 hanggang 70 na respondents. Sila ay tinanong kung ano ang level ng approval o disapproval ayon sa kilos ng kanilang mayor upang puksain ang COVID-19 at aksyon kontra pandemic.
Bukod pa kay Cayetano, sina Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela, Mayor Vico Sotto ng Pasig, Mayor Isko Moreno ng Manila at Mayor Marcy Teodoro ng Marikina ang nakasama sa Top 5.
Ayon sa resulta ng survey, 22.22 percent ay “strongly approve” sa aksyon o performance ni Cayetano, samantalang 46.03 percent ang nagpahayag ng approval.
Ang ilan naman na nagbigay ng approved o disapproved, at disapproved ay 14.29 percent bawat isa, samantalang yung “strongly disapproved” ay nasa 3.17 percent lamang.
“The best case practices employed by these high-performing local chief executives and city governments should be studied and emulated by other LGUs and government institutions working to beat COVID-19,” ayon kay Aureli Sinsuat, PUBLiCUS executive director at spokesperson.
Ang Taguig ay aktibo sa paglaban sa COVID-19 at pagresponde sa pangangailangan ng tao sa syudad. Ang Taguig City ay isa sa unang LGU sa National Capital Region na makagawa ng disenyo sa ligtas na pagharap sa COVID-19, na nagsimula pa noong January.
Kasama sa aksyon ng Taguig ang pagkalat ng impormasyon at mahahalagang update sa infection at nagsimula nang mag-stock ng protective gear para sa frontline workers at vulnerable populations.
Sa simula ng Marso, nakipagtambalan ang Taguig sa private sector upang mapigilan ang sakit at hanapin ang iba pang nakasalamuha ng mga may sakit o contact tracing. Nagkaroon din ng sterilizing workplaces sa Taguig.
Namigay din ng disinfectants at sprayers sa mga barangay ang Taguig LGU para sa community-based sanitation efforts.
Upang harapin ang “new normal,” nagsagawa ang Taguig ng Web-based services para sa online consultation at education. Sa healthcare naman, ang mga pasyente ay maaaring nakausap ng mga espesyalista sa medical at mental health concerns sa pamamagitan ng Telemedicine.
Simula pa noong Abril, ang syudad ay nag-offer ng Taguig Online Resources and Community Hub (TORCH), na nagbigay ng online learning platforms para sa mga estudyante, guro, negosyante, senior citizens, at ilan pa.
Naging aktibo rin ang Taguig City sa pagbigay ng humanitarian at protective assistance. Nagbigay ng “stay-at-home” food packs at hygiene kits sa mga redidente, at anti-COVID kits sa mga nakatatanda at persons with disabilities.
Isa ang Taguig sa pinaka-una sa local government units na pumirma sa memorandum of agreement sa national government para sa Social Amelioration Program, na supplemented sa Taguig Amelioration Program. Kasabay nito ang pagbigay ng financial assistance programs para sa transport workers at city scholars; itinaas ang sahod at allowance ng mga frontline worker.
Sa medical aspect naman, ang Taguig ay naghanda sa mga hospital at iba pang facilities para sa containment at treatment. Naayos din ng syudad ang hinaing na magkaroon ng mass testing sa Systematic Mass Approach to Responsible Testing, na nagbibigay ng hospital testing, house-to-house testing, community-based testing sa pamamagitan ng health centers at maging ang drive-thru testing.