-- Advertisements --

Kinilala at pinuri ng Taguig City Local Government Unit ang Taguig Police Station matapos ang  pagkaka-convict sa isang drug peddler na naaresto sa operasyon sa Ibayo-Tipas noong nakaraang taon.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, ang tagumpay na ito laban sa iligal na droga ay bunga ng  propesyonalismo at maayos na dokumentasyon ng Taguig Police.

Batay sa 20-pahinang joint judgment ng Taguig Regional Trial Court Branch 266, napatunayang guilty beyond reasonable doubt si Jenny Magbalana sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu.

Kinumpirma ng korte na lehitimo at maayos na naisagawa ng Taguig Station Drug Enforcement Unit ang operasyon noong July 2024, kung saan nakumpiska ang mahigit 22 gramo ng shabu kabilang ang 4.67 grams na ibinenta ng suspek sa isang undercover police officer gamit ang marked money.

Nadagdag pa rito ang sampung sachet ng shabu na narekober mula sa suspek noon siya ay naaresto..

Ipinagmalaki ng mga awtoridad na ang conviction ay resulta ng  walang tigil na pagtatrabaho ng Taguig Police upang buwagin ang drug networks siyudad

Bahagi aniya ng kanilang layunin na gawing “Transformative, Lively, and Caring City” ang Taguig.

Tiniyak naman ni Cayetano ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa Taguig Police upang masigurong ligtas ang bawat Taguigeño mula sa banta ng droga.