Ilang mga mahahalagang panukalang batas ang tinalakay ngayong araw sa joint house panel hearing ng Basic Education and Culture at Higher and Technical Education sa pangunguna ni Rep. Roman Romulo at Rep. Jude Acidre na layong palakasin at paunlarin ang sistemang pang-edukasyon ng bansa.
Unang tinalakay ang mga panukalang batas na naglalayong palawigin ang panahon ng operasyon ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) at ang mga panukalang bumuo ng Third Congressional Commission on Education (EDCOM III).
Tinalakay rin ng komite ang walong panukalang batas na naglalayong palakasin ang insentibo para sa pribadong sektor upang mas hikayating makipagtulungan sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng RA 8525 o Adopt-A-School Act of 1998.
Tinalakay din ang panukalang batas na nagbibigay ng allowance o stipend para sa mga estudyante sa iba’t ibang antas.
Sa kabuuan, layon ng mga panukalang batas na ito na tugunan ang patuloy na hamon sa kalidad, accessibility, at suporta sa edukasyon para sa kabataang Pilipino. Ang mga susunod pang pagdinig ay magtatakda kung alin sa mga panukalang ito ang uusad sa plenaryo para sa mas malawak na deliberasyon.










