Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Taguig na makakatanggap ng school package ang mga learner ng siyudad.
Personal na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng mga school supplies at hygiene kits sa mga elementary at high school students sa Pitogo at Upper Bicutan kabilang ang 10 EMBO barangays.
Ayon kay Mayor Cayetano, ang nasabing distribution ay patunay na ginagawa ng pamahalaang lokal ang lahat ng kanilang makakaya para maibigay ang pangangailangan ng mga mag aaral di lamang sa lungsod ng Taguig maging sa 10 EMBOA barangays na kasalukuyang nasa hurisdiksyon ng siyudad.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay mga school uniforms, PE uniforms, school shoes at athletic shoes sa mga mag-aaral sa nasabing paaralan.
Mga mga Daycare at Kindergarten pupils naman ay makakatanggap ng ng dagdag na na items gaya ng emergency contact cards, health kit bag na naglalaman ng tootbrush, toothpaste, hand towel, at alcohol spray.
“More than the material things na itu-turn over, ang presence po natin ngayon ay testament sa kahandaan nating lahat to really support our learners, to really support their dreams and aspirations in life, and to do our best to show them that we are ready to cooperate handa tayong magkaisa pag ang pinag-usapan ay ang kanilang future,” pahayag ni Mayor Lani.
Binigyang-daan naman ni Pitogo High School Administrative Officer Dr. Mary Rose Roque ang kahalagahan ng pamamahagi ng school supplies sa mga estudyante.
“The act of receiving these supplies signifies the transition of one phase to another, a transition that is marked by anticipation, enthusiasm, and a sense of readiness, to explore the uncharted territories of knowledge. Therefore equipping our very own students the means to express themselves and flourish,” pahayag ni Roque.
Lubos naman nagpasalamat ang mga estudyante ng Pitogo High School kay Mayor Lani sa mga ipinamahaging school supplies.
Binigyang-diin naman ng alkalde ang mga programa at mga benepisyo na mayruon ang mga estudyante.
Nagkaroon din ng simultaneous distribution ng mga school supplies sa mga EMBO schools at mga piling eskwelahan sa 1st at 2nd District.
Siniguro ni Mayor Lani na makakatanggap ng school package ang mga mag-aaral ng Taguig.
Pormal ng inilunsad ng siyudad ng Taguig sa Pitogo High School nuong Martes ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante sa EMBO barangays.
Nilinaw naman Cayetano na ang kanilang scholarship program ay hindi limitado sa upper 10% ng graduating class kundi bukas ito para sa lahat.
Kasama na rin dito ang 10 EMBO barangays.