Nanindigan ang Pamahalaang lokal ng Taguig na kanilang ipagpapatuloy ang pagtupad sa mandatong ibinigay sa kanila ng Korte Suprema para maayos na pangasiwaan ang mga Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangays mula sa Makati City.
Ito ang binigyang-diin ng Taguig LGU sa alegasyon na marahas na pahayag ng Makati LGU matapos barikadahan at ikandado ang mga gusali ng Pampublikong Paaralan sa mga nabanggit na barangay.
Bahagi sana ito ng Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 29,2023.
Ayon kay Mayor Lani Cayetano, malinaw naman ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa hurisdiksyon sa mga Embo Barangay kaya’t marapat sundin ito ng Makati LGU nang mahinahon, maayos at may propersyunalismo.
Nauuwanaan naman ni Mayor Cayetano ang pinaghuhugutan ng mataas na emosyon ng Makati LGU at umaasa siyang mauunawaan din ito ng kabilang kampo sa lalong hinaharap.
Una ng inihayag ng Taguig LGU na sinama na nila sa kanilang plano para sa Brigada Eskwela ang EMBO barangays.