-- Advertisements --
Pinasalamatan ng Taguig City Government ang Commission on Election (COMELEC) dahil sa pagkilala na ang 10 EMBO barangay ay sakop nila.
Naglabas kasi ng desisyon ang COMELEC na sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa buwan ng Oktubre na sa Taguig boboto ang mga residente ng nasabing barangay.
Hinikayat ng Comelec ang lungsod ng Makati at Taguig na kausapin ang mga barangay officials para magkaroon ng magandang transition.
Magugunitang naglabas ng desisyon ang Supreme Court na kumikilala na ang 10 EMBO barangay na dati ay sakop ng Makati ay mapupunta na ngayon sa Taguig City.