-- Advertisements --

Matapos ang ilang linggong paghihintay inaasahan ng lungsod ng Taguig na magiging maayos na ang paglipat ng hurisdiksyon ng mga health facility sa 10 EMBO barangay na pinangasiwaan ng Department of Health (DOH)

Inaasahan kasi batay na rin sa kasunduan na gawin ito sa darating na October 1 ngayong taon.

Batay sa ulat, umatras kasi ang lungsod ng Makati sa pangako nito at nagpakalat pa ng maling impormasyon.

Sa inilabas na press release ng Makati, hindi umano makatwiran ang paglipat ng mga health facilty na pag aari daw ng nasabing lungsod.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, sumusunod lamang sila sa batas at sa Memorandum of Agreement tungkol sa pagsasaayos ng gulo sa dalawang lungsod dahil ang pangunahing layunin lamang ay maayos na mailipat ng hurisdiksyon ang mga residente sa Taguig.

Samantala, binigyang diin rin ng Taguig na target ang pagtulong sa mga residente ang kanilang nais gawin kasama na ang sampung Embo- Barangay.