Kabilang ang lungsod ng Taguig sa may pinakamababang index crime sa buong Metro Manila sa 1st quarter ngayong 2026.
Batay sa datos na inilatag sa pagpupulong ng Metro Manila Council at Regional Development Council, umabot lamang sa 30 kaso ng index crime ang naitala mula Januray 1 hanggang March 24, 2026.
Malayong mas mababa kumpara sa 92 kaso sa kaparehong panahon noong 2025.
Ayon kay Taguig Police Chief PCol. Julius Añonuevo, bunga ito ng tuloy-tuloy na operasyon, pinaigting na police visibility at mas maayos na koordinasyon sa mga barangay.
Dagdag pa niya, naging epektibo rin ang kampanya laban sa iligal na droga at sugal, gayundin ang mas pinaigting na manhunt operations sa mga wanted persons.
Pinatibay din ang kampanya kontra loose firearms at nadagdagan ang police presence sa pamamagitan ng late-night patrols at targeted deployments sa mga kritikal na lugar.
Kinilala rin ni Añonuevo ang suporta ni Mayor Lani Cayetano, na aniya’y nakatulong upang mapanatiling tuloy-tuloy at epektibo ang kampanya laban sa krimen sa lungsod.
Dahil dito, patuloy na napapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa Taguig.
















