-- Advertisements --
Pormal ng idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-init matapos ang pagtatapos ng Amihan.
Sinabi ni PAGASA chief Dr. Nathaniel Servando na ang pagdeklara nila ng pagsisimula ng tag-init ay base na rin sa kanilang ginawang pag-analisa mula sa pinakahuling forecast.
Dahil dito ay ibinabala ng PAGASA na titindi pa ang epekto ng El Nino sa mga susunod na linggo.
Ipinayo rin nila ang pagtitipid ng tubig dahil sa pagbawas ng mga tubig sa mga dam.