Simula na ng tag-init o dry season sa Pilipinas ngayong araw, March 23, 2026.
Ito ay matapos ideklara ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration ang pormal na pagtatapos ng hanging amihan o northeast monsoon, ang weather system na dating nagdudulot ng mga serye ng pag-ulan saiba’t-ibang bahagi ng bansa, kasama ang malamig na temperatura.
Dahil dito, ibinabala ng weather bureau na magiging mas mainit na ang temperaturang mararanasan ng buong bansa.
Gayonpaman, maaari pa ring maranasan ang maiikli o panandaliang pag-ambon at malamig na temperatura dahil sa umiiral na easterlies.
Posible rin ang mga thunderstorm pagsapit ng hapon.
Pinapaalalahanan naman ang publiko na gumawa ng mga hakbang para makaiwas sa heat stress at iba pang mga sakit na may kinalaman sa mainit na panahon.
Marso-26 nang idineklara ng weather bureau ang pagsisimula ng tag-init noong nakalipas na taon (2025). (report by Bombo Genesis)
















