-- Advertisements --
Inilampaso ni Frances Tiafoe ng US si Andrey Rublev para tuluyang makapasok sa semi-finals ng US Open.
Nagtala ng 7-6 (3), 7-6 (0), 6-4 ang American tennis player sa laban na tumagal ng dalawang oras at 36 na minuto.
Ito ang itinuturing ng malaking performance ng 24-anyos na si Tiafoe na una tinalo si Spanish tennis star Rafael Nadal sa fourth round.
Target nito ngayon na maging unang African-American na magwawagi sa US Open mula ng magkampeon si Arthur Ashe noong taong 1968.