-- Advertisements --

Wala umanong masamang intensyon ang tabloid na pinagmulan ng kumalat na umano’y mga mga nude photo ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Pahayag ito ng Bulgar entertainment editor na si Janice Navida na siyang respondent sa inihaing reklamo ng pang-apat na Pinay Miss Universe.

Ayon kay Navida, sana ay makita rin ni Catriona na mabuti ang kanilang intensyon at huwag akusahan na nais sirain ang kanyang reputasyon.

“I hope too that you may see our intention to help you in clearing your name to the whole universe that the nude photo circulating online is fake and edited only, that’s why when we learned about your clarification on the matter, we quickly posted your camp’s statement on our Facebook page and website to enlighten everybody about that controversial photo,” saad ni Navida sa kanilang website kamakalawa.

Hindi naman humingi ng paumanhin ang nabanggit na tabloid, sa kabila ng pag-demand ni Gray ng public apology.

Ang 26-year old half Australian beauty na tubong Bicol ay naging kontrobersyal kamakailan dahil sa naturang pekeng nude photos kung saan nanghihingi siya ng P10 milyon bilang danyos.