-- Advertisements --

Magiging epektibo sa Nobyembre 3 ang taas singil sa toll sa South Luzon Expressway (SLEX) and Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX).

Ayon sa Toll Regulatory Board na ang mga sasakyang mula sa Alabang patungo sa Calamba, Laguna ay mayroong taas singil ng mula P10 hanggang P30 depende sa kanilang mga sasakyan.

Magtataas naman ng mula P4 hanggang P0 ang mga sasakyan mula Calamba patungo sa Sto. Tomas, Batangas habang mayroog taas na P1 hanggang P3 na singil sa MCX toll gates.

Ang nasabing taas singil ay naantala ng ilang buwan matapos na kuwestiyunin ng ilang mga transportation sectors.