-- Advertisements --

Asahan ng mga sambahayan ang mas mataas na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Nobyembre.
Sinabi ng Petron na nagpatupad ito ng P0.45 kada kilo na pagtaas sa presyo ng kanilang household LPG, simula kaninang 12:01 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 1, 2023.
Ang naturang adjustment ay katumbas ng P4.95 na pagtaas sa presyo ng isang tipikal na 11-kilogram na tangke ng LPG.
Bunsod ito ng international contract price ng LPG para ngayong Nobiyembre.
Nakatakda namang mag-anunsiyo ng price adjustment sa LPG ang ibang mga kumpanya ngayong araw.










