-- Advertisements --
Nagsimula ng magpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng Liquefied petroleum gas (LPG).
Halos magkakasabay na nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya maliban lamang sa Solane na epektibo kaninang ala-6 ng umaga.
Mayroong P3.50 ang itataas sa kada kilo ng LPG at P1.96 naman ang itataas sa kada litro ng auto LPG ang Petron at Phoenix.
Ang Solane ay mayroong P3.55 sa kada kilo ng taas presyo ng kanilang LPG.
Paliwanag ng Department of Energy (DOE) na nagsimula ng mag-imbak ng heating fuel gaya ng LPG ang mga bansa na nakakaranas ng winter o tag-lamig.