-- Advertisements --

Mayroong pagtaas ng pamasahe sa mga eroplano sa susunod na buwan.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na itinaas na nila sa Level 6 ang ipinataw sa fuel surcharge.

Dahil dito ay maglalaro sa P185 hanggang P665 ang inaasahang dagdag na singil sa pamasahe para sa mga domestic flights.

Nasa P610 hanggang P4,538 naman ang inaasahang taas singil sa pamasahe sa mga international flights.

Paliwanag ng CAB na ang nasabing taas singil ay paraan para makabawi umano ang mga airline companies dahil sa pagmamahal ng presyo ng mga jet fuels na ginagamit ng mga eroplano.