-- Advertisements --

Inaasahang magpapatupad ng taas-baba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ayon sa Unioil Petroleum Philippines.
Sa fuel price forecst para sa March 14 hanggang March 20 trading week, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng hindi gumalaw o maaaring magkaroon ng rollback ng P0.10.
Habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring magkaroon ng umento na P0.80 hanggang P1.00 kada litro.
Karaniwan na inaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang price adjustments sa araw ng Lunes at magiging epektibo sa araw ng Martes.
















