-- Advertisements --

Muling nakapagtaka ng volcanic quake ang Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tatlong volcanic quakes ang naitala sa naturang bulkan sa nakalipas na magdamag.

Maliban sa tatlong volcanic quakes sa Taal Volcano Network , naobserbahan din ng Phivolcs ang mahinang steaming o fumarolic activity na lumalabas sa vents ng main crater ng bulkan na mayroong 80 meters ang taas.

Nakataas pa rin naman ang Alert Level 1 (abnormal) status sa bulkang Taal hanggang sa mga sandaling ito.

Nagbabala naman ang ahensiya sa publiko na sa ilalim ng naturang alert level, asahan na raw ang biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.

Ito ay posibleng magdulot ng panganib sa area na nasa Taal Volcano Island (TVI).